(Spoken Poetry)
~Bes Bakit ganto?~
Bes bakit ganto? bakit ganto ang nadarama ko?
Bakit may letrang pilit na nagkikiskisan sa mga labi ko?
Bakit may mga katagang lumalabas sa bibig ko?
Bakit may mga salitang kumakawala sa twing kasama ka?
Salitang di tama sa kung anong meron tayo,
Mga pariralang mali na nagustuhan ko
Mga wikang di angkop sa kung anong meron tayo
pero teka lang meron bang tayo?
Meon bang isang salita na namamagitan sa atin, sakin at sayo
May pag asa ba ang isang tulad ko?
Na nagmahal lang naman ng bestfriend ko
Di pa sapat yung best ko?
Pero mahalin mo ako bes ko
Dipa ba sapat yung ilang araw na pahtangis at pagpatak ng mga luha ko ng dahil sayo?
Di pa ba sapat yung meron ako?
Yung akin na handang ibigay sayo
Yung akin na na sayo na hindi mo masuklian ng kahit ano.
Sisimulan ko utit sa umpisa para matapos na
ang mga katagang ganto? bakit ganto ang nadarama ko?
bakit ang sakit ng mga letrang pilit na lumalabas sa labi mo?
bakit ang sakit ng mga katagang galing sayo?
at bakit anong sakit ng pilit na paglayo mo at pilit na paglapit ko?
Pero bes patawad sana sa lahat ng katangahan
patawad sa mga maling galaw at katagang aking binitiwan
alam ko namang hanggang dito nalang
Dito nalng ako, hanggang dio nalang malapit sayo,
Dito nalng ako, di lalayo maghihintay sayo
Kaya tatapusin ko na itong tula sa isang simula
panimulang tanong na best bakit ganto? bakit ganto ang nadarama ko.









By: Merelyn Abayon





